
NAKABAWI na rin fair and square ang Love to Love last Sunday. Patas na labanan ang nangyari sa Sunday teen shows ng dalawang networks. Second episode, kakai-introduce pa lang ng kalaban samantalang magsisimula nang mag- climax ang Love to Love. This time, the longest running and still the only twin-bill show sa television regained its supremacy sa pinaglalabanang time slot right after SOP Gigsters. We hope magpatuloy pa ito just like dati lalo na’t second to the last episode na ito bago mag 12th season. Sa Best Friends, mag jowa na ang tomboying si Ciara Sotto at ang baklaing si Paolo Ballesteros at nagsisimula nang mag- selos sina Marco Alcaraz and Valerie Concepcion. Sa Fat Is Fabulous naman, alam na ni Isabel Oli na kahit mataba siya, mahal pa rin siya ng nerd na si Paolo Contis so nagdadalawang isip na if she wants to be with the man who loves her or the man he loves na si Justin Cuyugan na may kalaban naman siya, si Tin Arnaldo. Next Sunday ang pagtatapos ng 11th season ng Love to Love.
Dinno Erece
People's Taliba8/20/2006 18:48 PM





No comments:
Post a Comment